This was long overdue, I know. This blog post is actually a continuation of my previous ones regarding handling your finances. Akala mo talaga expert ano?
Not really but I think my experiences really shaped me to be more responsible in managing our hard-earned money. Hard-earned money nga, so dapat we are responsible when it comes to spending.
Maraming bagay na dapat i-consider kung gusto mong makatipid o makaiwas sa mga maling pag-gastos. So, I will outline here some of the important ones na I believe is effective. But before that, pause for a moment and ask yourself:
"What is my spending habits?"
I feel you, napaisip ka no? Well, we need that awareness in order for us to be successful in managing our finances. Without awareness, you will end up repeating the same pattern.
So, shall we start?
Awareness of your Spending Habits
Kaya kita tinanong kanina kung ano ang spending habits mo ay para maging aware ka sa ginagawa mo. Kung hindi ka kasi aware or concious sa spending habits mo, hindi mo malalaman na may mali ka na palang ginagawa. Okay lang naman gumastos, pero ang tanong saan nga ba napupunta ang mga ginagastos mo? Sa pangangailangan ba? Sa wants ba?
Tuwing sumasahod ka ba anong una mong ginagawa? Nagbabayad ka ba agad ng bills? Nagtatabi ng savings? Or napupunta sa pagbabayad ng utang?
Ilan lang 'to sa mga bagay na dapat mong tinatanong sa sarili mo. Kadalasan kasi sa atin, nasisisi ang liit ng sweldo o dami ng bayarin pero hindi natin nakikita ang ating sarili. Sa sarili lang natin magsisimula ang kaginhawaan ng buhay, wala ito sa laki ng sweldo o sa mga bills na binabayaran.
Sabi nga ng isang American investor, business tycoon, philanthropist, at chairman and CEO of Berkshire Hathaway na si Warren Buffet.
Gumawa ng Budget Plan at Isulat ang lahat ng expenses
Once na meron ka nang awareness sa spending habits mo, madali na lang para sa'yo ang gumawa ng Budget Plan at isulat ang lahat ng inyong Expenses. Since aware ka na, ikaw mismo ang makakaramdam na you need to do this and study the flow of your money.
Ang boring naman niyan?
Yes, you may find it boring at times but this will actually save you in repeating old patterns that no longer serve you. Ang lalim ba? Ibig kong sabihin, walang magbabago sa buhay mo kung wala kang gagawing pag-aaral sa kasalukuyang ginagawa mo.
Paano ba gagawa ng budget plan?
Na-share ko sa blog ko kung paano gumawa ng budget plan, you may read it here: Mommy Arbie’s Tip: Paano nga ba mag-budget?
Ito talaga yung isang foundation sa pagtitipid ko. Dapat hindi ako lalagpas sa budget. Kasi pag dinisiplina mo sarili mo na you are not allowed to live beyond your means or spend money more than you can afford, mapipilitan kang tumutok sa gastos mo at pagtuunan ng pansin ang pangangailangan lang.
Paano naman kung may gusto kang bilihin?
Dapat pag-ipunan mo ito at hindi basta-basta gamitin ang perang nakalaan na sa pangangailangan niyo. Monthly, gumagawa ako ng target kung ano ba ang kulang sa bahay namin na dapat bilihin tapos isasama ko yun sa monthly budget (i.e. appliances).
Hindi baling mabagal, ang mahalaga isa-isa mong na a-achieve ang goal mo nang hindi nako-compromise ang budget niyo.

MIND YOUR OWN BUSINESS
Anong kinalaman nito sa pagtitipid?
Malaki!
If you become aware of yourself and your spending habits, mapapansin mo na ilan sa mga maling pag-gastos mo ay dahil sa hindi ka nagfocus sa sarili mong pangangailangan or sa pangangailangan ng pamilya mo. You just followed the crowd.
Kapag tumingin tayo sa buhay ng iba, diyan magsisimula ang comparison.
Bakit siya may ganito? Bakit siya may ganiyan?
Eventually that comparison will turn into a desire and before you know it, bumili ka na rin kung anong nabili niya without even realizing kung nasa budget mo ba or kung kailangan mo nga ba.
Isa rin ito sa sikreto ng mga mayayaman. Hindi nila tinitignan kung anong meron ang ibang tao at focus lang sila sa kung anong meron at kung ano ang kanilang pangangailangan.
HUWAG KANG MATAKAW
Dapat alam mo ang pagkakaiba ng bored sa gutom.
Iwasan mo ang pagtingin tingin sa social media ng mga pagkain or pag-iisip na gusto mong matikman to o matikman yan. Wala namang masama na kumain ng masarap paminsan, pero tatanungin mo rin sarili mo kung nasa budget mo ba yan. Baka sa katakawan mo ay diyan ka pa magkaroon ng hindi magandang kalusugan, di'ba?
Yung pang-milktea mo minsan pang-ulam na yan at kung marami pa bibilihin mo pasok na yan as budget for one week.
Hindi ko naman sinasabing 'wag kang mag-milktea. Dapat alam mo lang kung ano ang limitasyon mo. Kapag nagtipid ka ngayon, dadating ang panahon na ma-aafford mo lahat ng pagkaing gusto mo kahit wala pa 'yan sa budget mo.
HUWAG SUMUNOD SA USO
Ano nananamang kinalaman nito sa pagtitipid?
Katulad lang ng sinabi kong "Mind your own business" kanina, malaki ang matitipid mo kapag hindi ka sumunod sa uso. Bakit? Kasi kadalasan ang pressure na mula sa society o mga kaibigan o kakilala ang nagiging rason para gumastos tayo ng higit pa sa ating pangangailangan.
Iwasan natin maging attach sa mga nakikita natin sa social media at dapat alam natin kung ano lang talaga ang kailangan natin.
Example, 'wag natin pilitin bumili ng mga branded na bagay kung wala tayong kakayanan. Minsan mas okay pa nga yung mga generic lang.
Personally, majority ng damit ko ay galing sa ukay-ukay, Baclaran, or bigay ng mga kapatid. Ang mga damit ko tumatagal ng limang taon o higit pa depende nalang sa pag-aalaga. Para kasi sa'kin, hindi importante na magmukha kang mayaman, dahil mas mahalaga ang laman ng iyong bank account at investments.
Madalas lahat ng gamit ko mapa-gadgets, alahas, o mga bags ay regalo lang sa akin.

CONTROL YOUR EMOTION
Ano ang kinalaman ng emosyon sa inyong pag-gastos?
Alam niyo ba na karamihan ng excess expenses niyo ay dahil sa inyong emotions?
Paano?
Naalala mo nung minsang malungkot ka at bumili ka ng bagong gamit? Or nung mga panahong masaya ka at bigla ka nalang nanlibre ng mga kaibigan?
Nakita niyo na. Madalas talaga ng pag-gastos natin ay may kinalaman sa kasalukuyan nating emosyon. Kaya kung gusto mong makatipid, dapat makita mo ang pattern na ito.
Ayon nga kay Warren Buffet:

Ang lahat ng ibinahagi ko rito ay based lamang sa aming experiences at mga applicable rin sa aming pamilya. Puwede niyo ito bawasan o
dagdagan depende sa inyong pangangailangan. Tandaan, sa disiplina nagsisimula ang lahat.
Hindi rin basta sa pagtitipid na-aachieve ang financial freedom, kung hindi sa pagkakaroon ng higit pa sa isang source of income.
Let me end this blog post with this important quote:

Disclaimer: lahat po ng mababasa niyo rito ay based from my own experience. If you don't find it resonating, feel free to drop it.
For comments and topic suggestions, please don’t hesitate to write a comment below.
.jpg)
Comments
Post a Comment