A budget is telling your money where to go instead of wondering where it went.
Dave Ramsey
May mga pagkakataon na ba sa buhay mo na mapapatanong ka na lang kung saan na nga ba napunta ang pera mo? Guilty ka ba? Ibig sabihin lang nito, hindi mo na-plano ng maayos kung saan mo ilalagay o gagastusin ang kinita mo. In short, hindi ka nag-budget.
To begin with, I need to be honest here. I'm so bad at handling my finances nung dalaga pa 'ko. This is also one of my reasons why I bought a property of my own when I was 21 (oops, please walang magbibilang ng edad ko).
Why?
Ang rason ko kasi, hindi habang buhay yung ganda ng kita ko. Hindi habang buhay ay gugustuhin kong maging empleyado. At since aware ako na nahihirapan akong mag-ipon, dapat may makita akong investment na mula sa pinaghirapan ko.
Ayoko kasi dumating yung time na wala na yung magandang trabaho ko, wala pang "souvenir" from that good old days.
Thank you sa mama ko kasi siya yung laging nagsasabi sa amin na kapag may pera ka na, "unahin mo ang bahay". After so many years, I don't regret following my mom's advice.
Anyway, if you want to know how I was able to buy a house at an early age, I will write a separate blog post about that. Focus muna tayo ngayon sa tamang pagba-budget.
Aminin man natin sa hindi, noong wala pa tayong pamilya, walwal is life!
Gastos dito.
Gastos diyan.
Tapos maghihintay ng sahod kapag naubusan na ng budget.
Very wrong!
I actually used my past experiences to be better at handling money now. We, as moms, need it the most.
So, paano ko nga ba ginagawa ang pagba-budget?
- SET A GOAL
Before starting anything, dapat alam mo kung ano'ng purpose ng ginagawa mo for you to succeed.
The primary goal is to keep track of your finances and achieve financial freedom.
Since this is for your family, make sure to discuss this as well sa husband/wife mo para tugma kayo sa lahat ng bagay. It would be easier kasi if nakikita niyo pareho kung saan nga ba napupunta ang pera ng pamilya niyo.
Always be open din sa mga gastusin niyo. Hindi yung hindi ka magsasabi ng gastos mo kasi ikaw naman ang kumikita (avoid this kind of mentally at all cost).
- CREATE A MONTHLY OR BI-MONTHLY BUDGET PLAN/LIST
Depende sa frequency ng sahod mo o ng husband mo, gumawa ka ng Budget List mo. Here's mine:

It's a simple table that I created using an office app sa phone ko. Personally, I'm comfortable having a budget list on my phone since I can easily access it when I need to review stuff.
Just to be clear, my husband did not require/ask me to do this kind of budget plan. It's my personal will to keep track of our finances. Kapag kasi may listahan ka, it would be easier for the two of you to determine kung saan mapupunta ang kinitang pera for the month/week.
Having this kind of budget will also make you aware kung ano ang importante sa hindi at kung ano ang dahilan ng sobrang expenditure niyo from the past month/s (kung meron man).
My simple excel file is automated that sums up the total expected expenses for the month. Yung nilagay ko rin formula dito separates the monthly bills and necessities. This way, makikita ko kung dapat ba kami magtipid ng konsumo sa tubig at kuryente sa mga susunod na buwan.
If you will also notice, naka-separate yung budget for Milk and Diaper sa budget for Grocery. I believe I mentioned this in my previous blog post (MOMMY ARBIE’S TIP: PAANO BA MAKATIPID SA PAG-GOGROCERY?), this is to avoid touching the budget already alloted for your baby's needs.
Important: Needs NOT Wants ang ilagay sa budget plan.
- KEEP TRACK OF YOUR EXPENSES
Kung meron kang listahan ng budget for the entire month, how would you know kung nasusunod mo nga ba ito? Good question.
You need to keep track of your expenses.
Paano?
Maglista ka ng araw-araw niyong gastos. Yes araw-araw. At I mean it, lahat ay dapat mailista mo kahit piso lang ito.
Ang strict ko ba?
Well, we need to be strict sa part na 'to. You will never know how effective your monthly budget plan is, if you're not following through.
Kung sa budget plan naka digital ako, dito naman sa listahan ng expenses I prefer to do it manually.

Yung ganitong klase ng strategy, I learned this from my mother (again).
Araw-araw yan magtatanong kung ano pa ba nagastos namin. Minsan kapag nakakalimutan niya ilista daily, mag- baback track pa yan. Dati 'di ko siya maintindihan at sinasabi ko lagi na, "ano ba yan ma, wala namang maghahanap kung saan mo nagastos ang pera". Pero sabi niya, "basta, hindi ako sanay nang hindi nakalista".
Ganyan na din ako ngayon.
Parang may mali sa buhay ko kapag 'di ako nakapaglista ng expenses kahit yung hininging limang piso ng anak ko panghulog sa alikansya niya, dapat nakalista. Minsan natatanong ko rin ang anak ko kahit alam ko naman na hindi siya makaka-respond sa'kin ng tama.
By the way, since naglilista ka ng expenses, make sure to update your Budget Plan. Put a simple "OK" remark sa item (i.e. Meralco) kung nabayaran na ito at kung tally ba ito sa nilagay mong budget.
- FINANCIAL LITERACY
Make it a habit to enhance your knowledge and be financial literate. Maraming mga libreng courses, social media pages, channels that you can follow para dagdag kaalaman sa tamang pagba-budget.
Nandiyan ang online course sa e-TESDA that will give you a FREE course about financial literacy.
Maximize as well your social media platform by following financial coaches. My favorite financial coach is no other than, Mr. Chinkee Tan. You may follow his Facebook Page and Youtube Channel para mabigyan kayo ng knowledge on handling your finances well. You may also purchase some of his financial literacy books on his website.
Karamihan ng mga natutunan ko sa kaniya ay ina-apply naming mag-asawa and they are very effective.
- MAGKAROON NG DISIPLINA
And last, but definitely not the least na tip na maibibigay ko is, ang pagkakaroon ng Disiplina.
Sa kahit anong bagay na gagawin mo dapat disiplinado ka. Stick to your plan. Kung ano lang ang nasa Budget Plan, yun lang dapat ang laman ng Expenses Notebook mo.
Hindi rin dapat magbago yung plan mo dahil lang sa umangat ang kita ng pamilya mo. Kahit alam mo na walang mag-checheck kung ginagawa mo ng tama ang pagba-budget, dapat gawin mo pa rin ito.
Hindi pwedeng laging may "cheat day" like when you're on a diet. Hindi pwedeng "pabunot lang ng 1k sale kasi yung bag". Always ask yourself, need mo ba yan? O dahil gusto mo lang kasi nakita mo yung 50% off?
Tandaan, kapag disiplinado ka at nasunod sa budget, darating ang panahon na mabibili mo yung bag kahit hindi pa naka-sale. Tiis muna, ito dapat lagi ang mindset natin.
Sana may natutunan kayo sa mga tips na sinulat ko. Paalala lang, hindi ko pa na mamaster ang tamang pagba-budget, tips lamang po ito based sa mga ginagawa ko. Pwede niyo pong baguhin ang mga ito depende sa comfortability niyo.
Proper handling of our finances will give us financial freedom in the future. Imagine yung hindi ka na naghihintay ng susunod na sweldo kasi you were able to properly handle your money. Ang sarap siguro sa feeling?
But wait, there's more!
Paano naman ang savings?
Yan naman ang susunod kong ise-share.
Good luck mommies and daddies!
For topic suggestions, feel free to comment here.

Comments
Post a Comment