Skip to main content

Mommy Arbie's Tip: Paano ba makatipid sa pag-gogrocery?

Habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot


Ito ang kasabihang hindi magagasgas. At sa panahon ngayon, mas kailangan natin matutunan ang mamaluktot. Lalo na sa mga mommies na gaya natin. Kailangan natin matutunang pagkasyahin ang nakalaan na budget natin na pang grocery na hindi binabawasan ang bilang ng ating pinapamili. Posible ba yun? Oo, dahil kung kayang isipin, kaya rin nating gawin.


Ang ibig sabihin ba nito ay hindi na natin bibilihin ang mga pangunahing pangangailangan natin? Hindi. Pero may pwede tayong gawin na paraan, at yan ang ise-share ko sa inyo.


Question? Kailangan bang mag grocery kung malapit naman ang mga sari-sari store? Ang sagot, syempre naman. Dahil kung sasamuhin, malaki rin ang matitipid mo kung bibili ka ng maramihan kesa sa paisa isa. Kung may budget naman, bakit hindi di'ba?


So, paano nga ba makatipid sa pag-grogrocery? Ito ang aking mga natutunan:


  • Maglaan ng tamang budget base sa mga kailangan

Bago mo pa man mahawakan ang budget for the entire month, make sure to anticipate ang mga gagastusin. Unahin ang mga primary needs at siguraduhing lahat ito ay nakokonsumo talaga.

Kung may anak kang nag-gagatas at diaper, makakabuti na ihiwalay ito sa total amount ng pang-grocery mo. In that way, hindi mo makokonsumo ang nakalaan pala dapat sa gatas at diaper ni baby.

I will discuss more about planning your expenses sa susunod kong blog post at ise-share ko rin sa inyo ang mga ginagawa kong paraan para makatipid.


  • Gumawa ng Grocery List

Bukod sa pera, importante na may dala ka ring grocery list para hindi kung ano-ano ang madadampot mo.

Unahin mong tignan kung ano ang kulang sa bahay niyo gaya ng toyo, suka, mantika, shampoo at kung ano ano pa. Pag alam mo na kung ano ang wala sa bahay niyo, tsaka ka gumawa ng listahan ng bibilihin. Sa ganitong paraan kasi, hindi ka makakabili ng hindi naman kailangan.

Maganda rin na alam mo ang presyo o kahit estimate man lang ng mga bibilihin mo para malaman mo kung pasok din ito sa iyong budget.

Istriktong sundin ang grocery list at iwasang magdagdag ng nakalista rito sa oras na ikaw ay nasa grocery store na.


  • Magdala ng saktong pera o budget

Ugaliin magdala ng saktong pera/budget pang-grocery. I-consider mo na rin maging ang pamasahe papunta at pabalik. In this way, hindi ka sosobra sa nilaan mong budget for your groceries. Magiging disiplinado ka rin na sundin ang iyong grocery list.

Kung ikaw ay may credit card, siguraduhin mong hindi mo ito dala para hindi ka matuksong gamitin ito. Kadalasan, may mga offer na 0% interest. Pero kung ganito ang mindset mo, hindi mo rin makokontrol ang sarili mo at maaapektuhan maging ang budget mo.

Kung madalas mong gamitin ang debit card mo bilang pangbayad, siguraduhin na nasa tamang budget ka pa rin.


  • Pumili ng murang Grocery Store

Kung hangad mo talagang makatipid, dapat pumili ka rin ng Grocery Store na may murang offer sa karamihan ng produktong bibilihin mo. Huwag mong ipilit bumili sa pinagbibilihan na Grocery Store ng kaaway mong kapitbahay para lang masabi na hindi ka magpapalamang.

Halimbawa, minsan akong bumili ng 12 pcs ng paborito kong kape sa Local Grocery Store sa palengke, nagkakahalaga ito ng 92 pesos. Chineck ko ang parehong brand sa isang sikat na murang Grocery Store at nagkakahalaga ito ng 97.50 pesos. See the difference?

Kung nasa malapit na grocery store lahat ng kailangan mo at sa mas murang halaga, huwag ka nang lumayo pa.


  • Try a different brand

Huwag tayong masyadong loyal sa brand na ginagamit natin. Kung ang isang mumurahin na brand naman ay kayang ibigay ang parehong kalidad ng dati mong pinipiling brand, why not settle dun sa mura?

For example, may binibili akong dishwashing liquid noon worth 25 pesos pero isang linggong gamitan lang yun. So kailangan ko ng apat para magkasya sa isang buwan. That would be a total of 100 pesos di'ba? Pero may nadiscover akong local brand ng dishwashing liquid (na ginagamit din ng aking friend), 1 liter for 99 pesos, BUT it's buy 1 take 1. Halos tatlong buwan ko na siyang gamit, pero yung second bottle meron pang kalahati so baka maging 4 months. So yung dating 25 pesos ko na pang isang linggo, pang isang buwan ko na ngayon.

Ganito rin sa fabric conditioner. Kung noon gumagamit ako ng halos 300 pesos worth of fabcon, ngayon nagswitch ako sa local brand. Magkano? 180 pesos for 1 gallon. Kamusta ang kalidad? Tulad lang ng mga leading brands!

See? May paraan para makatipid, basta ikaw ay mapanuri.


  • Bumili ng maramihan o big packs

Kung may budget ka naman para sa maramihan, why not buy a bigger quantity di'ba? For example, merong soysauce na worth 20 pesos pero 500ml lang. Tapos, biglang nagkulang kaya mapipilitan kang bumili ulit kahit sa sari-sari store lang. Syempre, kasama ang tubo, pag bumili ka ulit, ang total na nagastos mo sa 1 liter na soysauce ay mahigit 40 pesos.

Pero kung sa una pa lang ay bumili ka na ng 1 Liter na soysauce, nagkakahalaga lang ito ng 31-35 pesos.

Maliit man ang diperensya pero kung gagawin mo ito sa lahat ng pangangailangan ng iyong pamilya, malaki ang matitipid mo.

Ugaliin mo rin tignan ang grams or ml ng bawat produkto at ikumpara kung saan ka mas makakamura.


  • Mag grocery ng may laman ang tiyan

Para may energy ka mamili at ang pinaka importante, para hindi ka mapagastos at mapakain after mo mag grocery.

Hindi naman masama kumain sa labas pero dapat nasa tamang pagkakataon.


  • Huwag isama ang anak sa pag-gogrocery

Mas maganda na ikaw lang ang mamimili dahil ang mga bata ay mahilig kumuha ng kanilang gusto. At bilang magulang, nahihirapan tayong hindian sila.

Pwede mo silang isama kung marunong na silang makinig at sumunod din sa kung ano ang nasa iyong grocery list.


  • Huwag maakit sa SALE!

Kadalasan na kahinaan nating mga pilipino ang apat na letra na yan. Hindi masama na kagatin ang ganito kung minsan. Pero make sure na ang bibilihin mo ay kailangan talaga at talagang nakatipid ka.

Halimbawa, ang 2000 grams na sabon ay mas mura ng 20% kung ikukumpara sa dating presyo, nakamura ka rito.

Muli, maging mapanuri.

Ang lahat ng nga nai-share ko sa article na 'to ay based sa sarili kong experience. Masasabi kong effective ang mga ito kung iyong laging gagawin.


Hindi masama ang maging matipid. Ang masama, ay ang gumastos ng higit pa sa iyong kinikita.


For comments and topic suggestions, feel free to comment below.

Comments

Popular posts from this blog

How a 6 years old understands Jollibee Foods Corporation

  "Inasal is owned by Jollibee" - Awudya Nung nakaraan nagdiscuss siya sa'kin ng business plan niya. Nung kumain naman kami sa Mang Inasal ang sabi naman niya ang Jollibee daw ay owned ng Mang Inasal. Although iba daw yung food like chickenjoy and spaghetti, still si Mang Inasal ay part daw ng Jollibee katulad ng Greenwich. I asked her today kung bakit niya nasabi yun, nabasa niya daw yung sign nakalagay yung Jollibee. And there are other members of Jollibee daw. And to validate that, yes Mang Inasal is owned by Jollibee just like Greenwich, Chowking, Mang Inasal, Red Ribbon and many more within PH and outside PH. Meron ding Chinese Resto ang Jollibee na nasa China. That is why JFC or Jollibee Food Corporation is a strong company. Kapag nag-invest ka sa kanila, hindi ka lang basta nag-invest sa Chickenjoy. Anyway, going back sa anak ko. Nakakatuwa na alam niya yun simply by observing. Mana ka kay Mommy, tahimik lang but observing. I know one day, you will do great things....

Love vs. Attachment

 Learn the difference between Attachment and Love. Because clearly, those two things are different from each other, but humans are unconsciously considering them as one. Emotions are simply the fulfillment of one's desire - attachments. Self-fulfilling. Self-aggrandizement. Love is an intense feeling of deep affection and does not necessarily have to be reciprocated. This is why people with the same wounds can connect with each other. They simply misunderstood the spark as "Love". In reality, this is just an attachment. The person whom you can connect with has the same wound as yours so you basically know how to fill each other's bucket. On the other hand, to Love is to see yourself from the other person without the opposite. Without the need to satisfy the desire of your ego. When you no longer seek for that person to satisfy your desire and you now see the person as you, that is love. Thus, it is very important to learn how to love yourself, so...

Why do we suffer?

Photo by omar alnahi: This past few months, I've been very distant and observant of people, and their emotions. I'm trying to understand where the suffering of humans is coming from. I received various answers and most of them are because of outside forces. So instead, I ask within. What is it that makes humans suffer? Is it because of fear? Is it because life is indeed unfair? Or is it because of something deeper yet obvious? Today, I woke up with a heavy feeling in my chest. Something from my childhood keeps on flashing on the screen of my memories and of course, I don't like it. I'm practicing unattachment in everything that comes into my life now, but at this moment, the pain in my chest keeps on getting heavier. So I'm aware that I'm doing something wrong with it. Then, I came across one of Aaron Abke's podcasts, entitled "The Pain and Pleasure Paradox". In this podcast, I suddenly realized that what ...